Ang buhay ay hindi lagging Masaya at
lalong hindi lagging malungkot. Minsan nasasaktan lang tayo dahil sa mga bagay
na hindi natin lubusang matanggap sa ating mga sarili. Tandaan mo na ang lahat
ng bagay na nakikita mo at lahat ng tagumpay at kasaganaang nararanasan mo sa
ngayon ay panandalian lamang, mabuhay ka sa salita ng Diyos, sa kanyaang
kagustuhan. Minsan
ayos lang na makisabay ka sa agos, makiayon sa direksyon ng hangin, pero may
mga pagkakataon din na dapat lumihis tayo sa Direkson ng Hangin kasi baka sa
Sobrang lakas ng hangin ay Liparin ka palayo o maputol ang Pisi. May mga
pagkakataon na kinakailangan nating gamitin ang pisi ng saranggola ng buhay
natin para mas maging matayog pa ang ating lipad..
Sabi ng marami, ang pagtanda ay
nagdadala ng karunungan. Bukod sa maraming taon ng pag-aaral, natututo ang tao
sa dami ng kanyang karanasan. Natututo tayo ng mga aral tungkol sa sarili, sa
pamilya, sa pagkakaibigan, sa pag-ibig, sa paniniwala at marami pang iba. Sa
pagtahak natin sa ating makabluhang buhay, natuto tayong maging malakas at
matapang dahil sa mga karanasan na ating nalampasan. Ang buhay ang laging may
paraan upang atyo ay subukan at maunlarin. Nasa atin nalang kung magiging
positibo o negatibo ang pananw natin sa mga ito. Ibinibigay lamang ito ng Diyos
sa atin uppang tayo ay maging handa sa susunod na hamon ng buhay. Mapagdaraanan
muna natin ang lungkot bago natin matatamasa ang ligaya.
Bilang isang indibidwal, hindi ko in
maiiwasang mangtanong sa aking sarili kug balik k nararanasan ang mga ganitong
pagsubok at hamon sa buhay. Minsan naiisip ko kung bakit ako laging naiiwan at
nasasaktan. Ngunit sa paglipas ng panahon, mas lalo kong naunawaan ang dahilan
ng Panginoon kung bakit ko ito ngayon nararanasan. Siguro para malaman at
makilala k kung sino ang mga taong dapat na manatili sa buhay ko at ang mga
taong dapat ng lumisan ang hindi na ulit magiing parte nito. Mahirap man
tanggapin sa umpisa pero maniwala kayo. Malalaman at malalaman nyo rin ang mga
dahilan ng mga ito at magiging Masaya ka pang dating ng araw na maiisip mo ang
halaga ng buhay mo at ng mga taong naiwan sayo. Ngumiti kahit sa napakahirap na
sitwasyon upang gumaan ang pakiramdam. Gaano man kalungkot ang iyong
nararanasan o pinagdadaanan lagi mong iisipin na may dahilan ng Diyos sa lahat
ng mga nagyayari at alam nya kung nao ang mas makakbuti at magpapasaya sa iyo.
Magtiwala tayo sa Panginoon at maniwalang may hanggan an gating pghihiram kung
tayo ay magsusumikap.