Huwebes, Agosto 27, 2015

Reyalidad ng buhay

Ang buhay ay hindi lagging Masaya at lalong hindi lagging malungkot. Minsan nasasaktan lang tayo dahil sa mga bagay na hindi natin lubusang matanggap sa ating mga sarili. Tandaan mo na ang lahat ng bagay na nakikita mo at lahat ng tagumpay at kasaganaang nararanasan mo sa ngayon ay panandalian lamang, mabuhay ka sa salita ng Diyos, sa kanyaang kagustuhan. Minsan ayos lang na makisabay ka sa agos, makiayon sa direksyon ng hangin, pero may mga pagkakataon din na dapat lumihis tayo sa Direkson ng Hangin kasi baka sa Sobrang lakas ng hangin ay Liparin ka palayo o maputol ang Pisi. May mga pagkakataon na kinakailangan nating gamitin ang pisi ng saranggola ng buhay natin para mas maging matayog pa ang ating lipad..

Sabi ng marami, ang pagtanda ay nagdadala ng karunungan. Bukod sa maraming taon ng pag-aaral, natututo ang tao sa dami ng kanyang karanasan. Natututo tayo ng mga aral tungkol sa sarili, sa pamilya, sa pagkakaibigan, sa pag-ibig, sa paniniwala at marami pang iba. Sa pagtahak natin sa ating makabluhang buhay, natuto tayong maging malakas at matapang dahil sa mga karanasan na ating nalampasan. Ang buhay ang laging may paraan upang atyo ay subukan at maunlarin. Nasa atin nalang kung magiging positibo o negatibo ang pananw natin sa mga ito. Ibinibigay lamang ito ng Diyos sa atin uppang tayo ay maging handa sa susunod na hamon ng buhay. Mapagdaraanan muna natin ang lungkot bago natin matatamasa ang ligaya.

Bilang isang indibidwal, hindi ko in maiiwasang mangtanong sa aking sarili kug balik k nararanasan ang mga ganitong pagsubok at hamon sa buhay. Minsan naiisip ko kung bakit ako laging naiiwan at nasasaktan. Ngunit sa paglipas ng panahon, mas lalo kong naunawaan ang dahilan ng Panginoon kung bakit ko ito ngayon nararanasan. Siguro para malaman at makilala k kung sino ang mga taong dapat na manatili sa buhay ko at ang mga taong dapat ng lumisan ang hindi na ulit magiing parte nito. Mahirap man tanggapin sa umpisa pero maniwala kayo. Malalaman at malalaman nyo rin ang mga dahilan ng mga ito at magiging Masaya ka pang dating ng araw na maiisip mo ang halaga ng buhay mo at ng mga taong naiwan sayo. Ngumiti kahit sa napakahirap na sitwasyon upang gumaan ang pakiramdam. Gaano man kalungkot ang iyong nararanasan o pinagdadaanan lagi mong iisipin na may dahilan ng Diyos sa lahat ng mga nagyayari at alam nya kung nao ang mas makakbuti at magpapasaya sa iyo. Magtiwala tayo sa Panginoon at maniwalang may hanggan an gating pghihiram kung tayo ay magsusumikap. 

1 komento:

  1. Ayus hahhh sa sobrang lakas Ng hangin... Ang lakas talaga nito at Yung bakit naranasan Ang ganitong pagsubok...kailangan talagang mangyare to para pantay mabalanse Ang kasayahan at kalungkutan

    TumugonBurahin